Pardon me for using Tagalog for this post. It is something that I wrote a few years back and I just wanted to put it up on my blog. I’m currently working on the english translation so do be patient please, it will be posted ASAP. Its about the emotional drive of mens attraction towards women that would end up in a rather peculiar conclusion.
For those who can read tagalog I would like to hear from you. Do let me know your thoughts on this one.
Lalaki ako.
Matipuno at kaakit-akit.
Nasasaktan pero hindi umiiyak.
Nakikipag-away pag tinititigan.
Nabugbog na pero bida pa rin sa kuwentuhan.
Malakas uminom pero hindi nalalasing.
Naglalaway sa suso.
Tinitigasan sa kurbada ng bewang.
Ikaw! Babae ka.
Tumititig sa mga lalaki.
Nagpapantasya habang tulala sa aking mga labi.
Di mo alam napapansin ko.
Inilulugay mo ang buhok mo
at sinasadyang ihampas sa mukha ko pagdaaan ko.
Lalaki ako.
Nabubugnot sa tagal ng paliligo mo.
Naguguluhan sa dami ng ipinipintura mo sa mukha mo
At nalilito ako sa dami ng pinamimilian mong damit na di mo rin naman
isinusuot.
Babae ka.
Importante sa’yo na malinis at mabango ka.
Nagme-make up ka para mapansin ng mga lalaking tulad ko ang mga
pangbabago sa
mukha mo.
Pinapahaba mo ang buhok mo para mas madaling ayusin,
Kahit nagkaka-hadhad ka na sa batok at nauupuan mo na ang mahaba mong
buhok.
Nag aahit ka ng kilay para magmistulang manipis ito para maitago ang
katotohanang mas mabalahibo ka pa kaysa sakin.
Lalake ako.
Kaya kong patigasin lahat ng muscle sa katawan ko.
Matapang ako.
Matapang ang mukha ko.
Hindi mo ako pwedeng tawaging bakla.
Magagalit ako.
Pero kung babae ka magagalit pa rin ako.
At sisiguraduhin kong mararamdaman mo ang lalim ng galit ko.
Babae ka.
Umuungol ka pag nasasaktan.
Umuungol ka pag nasasarapan.
Umuungol ka pag nag-iinarte ka.
At umuungol ka pag nagbabata-bataan ka.
Oo. Babae ka.
Nagpapantasya,
naglulugay,
matagal maligo,
matagal magbihis,
nagpipintura ng mukha,
nag-aahit ng kilay,
umuungol sa maraming dahilan,
pero naintindihan kita.
Lalake ako - noon, nagpapapansin at pinapansin mo.
Babae ka - noon, sinusundan-sundan pa kita ng hindi mo alam.
Lalake ako - noon, pinag-aawayan natin ang mga abubot mo sa katawan
pero…
Babae na ako - ngayon,
nagpapantasya,
nag-aayos ng buhok,
matagal maligo,
matagal magbihis,
nagpipintura ng mukha,
nag-aahit ng kilay,
umuungol sa maraming dahilan pero malimit sa sakit.
Sa sakit ng dulot ng mga lalaki.
Sa mga lalaking katulad ko… noon.